Kabanata 129 Galit na ang Boss
“Lola, anong gagawin natin ngayon?”
“Kumalma muna tayo. Kailangan ko pang mag-isip ng paraan para makuha ulit ang loob ni Dylan Cap. Saka na natin pag-isipan ang ibang bagay.”
“Sige po.”
Umalis na ang mga Jennings sa ospital.
Sa kabilang banda, pumasok na si Nell sa kotse. Agad niyang sinagot ang tawag mula sa nagvavibrate niyang cellphone sa bag.
“Nasa ospital ka pa ba? Kumusta na?”
Dire-diretsong nagsalita ang lalaki nang masagot ni Nell ang tawag.
Nagitla si Nell, nasorpresa siya nang bahagya dahil alam ni Gideon kung nasaan siya.
“Kakaalis ko lang ng ospital… Pwede mong sabihin na nagtagumpay ako! Sa tingin ko halos mamatay na sa galit ang mga Jennings ngayon.”
Nang mapansin ang saya sa kanyang tono, natuwa rin ang lalaki at hindi nito mapigilang ngumiti. Sa wakas, napanatag na rin siya.
“Ako na ang bahala kay Dylan Cap. Ano naman ang plano mo sa pamilya Jennings?”
Nagulantang si Nell. Sasabihin na sana niya na hindi na kailangang makialam ni Gideon pero nang maisip ang

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.