Kabanata 156 Magkababata
“Tama iyan. Nangahas siyang maging bastos at insultuhin ka nang harap-harapan. Baka tapakan na lang niya ang ulo mo kapag naging sikat na siya kalaunan?”
“Oo nga naman, kahit anong mangyari, ilang taon kang nauna sa kanya at ikaw ang senior niya, kaya hindi dapat siya magsalita nang ganoon sa harap mo.”
Tinignan sila ni Crystal.
“Sinasabi niyo bang guluhin ko siya?”
Nagmamadaling tumango ang mga kasama niya.
Malamig namang napatawa si Crystal.
“Sa tingin niyo ba tanga ako? Pinoprotektahan siya ni Young Master Foster pero gusto niyong gumawa ako ng gulo para sa babaeng iyon? Gusto niyo ba talagang galitin ko si Young Master Foster o kaya sirain ang career ko?”
Namutla naman ang mga babae sa sinambit ni Crystal.
“Crystal, hindi iyan ang ibig sabihin namin.”
“Alam niyo naman ang kahihinatnan ng sinabi niyo!”
Ngumisi siya. “Mas matagal na ako sa industriyang ito kaysa sa inyo, kaya huwag niyong isipin na magagamit niyo ako bilang baril at pamato sa iba. Masyado pa kayong bata!”

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.