Kabanata 158 Sinagip ni Joel
Napatingin naman si Nell kay Lucy na agad namang iniling ang kanyang ulo. Puno ng taranta at luha ang kanyang muha. “President Nell, hindi akin iyan. May nag-setup lang sa akin.”
Alam ito ni Nell kahit hindi niya pa sabihin.
Isa lamang itong setup. Kilala niya ang pagkatao ni Lucy. Hindi niya sisirain ang kanyang kinabukasan para lamang hawakan ang mga bagay na ito.
Sino naman ang may butas sa utak na magdadala ng droga sa ganitong enggrandeng okasyon?
Huminga nang malalim si Nell at saka sinabihan ang pulis, “SIgurado akong may mas malalalim na nangyayari rito. Hindi ako naniniwalang sa kanya ito.”
Malamig namang ngumiti ang pulis. “Sa kanya man ito o hindi, kailangan naming bumalik sa istasyon para malaman. Hindi ito isang bagay na ikaw ang magpapasya, Miss.”
Sunod, hindi na lang niya pinansin si Nell at ikinumpas niya ang kanyang kamay. “Dalhin siya sa police station!”
“Teka!”
Nagbago ang ekspresyon ni Nell. Subalit, dahil si Gareth lamang ang kasama niya, hindi nila nagawan

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.