Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 197 Nahulog sa Patibong

Sa wakas, matapos ang ilang minuto, nakita na rin ni Kylie ang kanyang hinahanap sa bulsa ng isang damit na nasa laundry basket sa banyo. Tuwang-tuwa si Kylie at inisip niyang masyadong pabaya sila Nell. Bakit niya naman ilalagay ang mahalagang bagay na ito sa bulsa ng kanyang damit at kalimutan itong itago? Ganoon pa rin ang iniisip niya hanggang sa buksan niya ang isang papel. Sumunod na segundo, nagbago ang kanyang ekspresyon. Ilang salita ang nakasulat sa papel. “Hello, binabati kita dahil nahulog ka sa patibong!” … Sinundan ni Nell si Nancy pabalik ng kanilang kwarto, masaya siyang dala-dala ang mga meryenda nila. Gaya ng mga usapan, marami siyang nabiling masasarap na pagkain sa kalyeng iyon. Barbeque, fried noodles, fried rice cakes, hot spicy soup… Kahit mga street foods ito, walang dudang paborito ito ng mga babae. Maraming silang binili pero dahil maingay sa kalyeng iyon, dinala na lamang nila ito pabalik ng hotel. Pagkalabas nila ng elevator, nakita nilang bukas an

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.