Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 222 Paggawa ng Tsismis

“Wow, naririto na naman si Young Master Morton para bisitihan si Celine!” “Ang ganda ng bouquet. Tsk, naiinggit na talaga ako!” “Ang swerte talaga ni Celine. Oh, narinig ko palang kasal na kayo? Totoo ba iyon?” Kabibigay lamang ni Jason ng rosas kay Celine bago niya ito niyakap. “Totoo ang balitang iyan, salamat sa inyong mabubuting hiling sa amin,” sambit ng lalaki habang nakangiti. Agad namang nagkagulo ang mga tao, binati nila ang dalawa. “Young Master Morton, kailan ang opisyal na seremonya?” “Hinihintay na namin ang mga pastries ng kasal!” Banayad na ngumiti si Jason. “Hinahanda na namin ang kasal. Para naman sa mga pastries, nagdala ako ngayon. Ipapamigay ko agad ito.” Ganoon din, isang assistant ang lumabas mula sa kotse na may dalang malalaking mga kahon ng hugis pusong mga chocolate pastries. Pinamigay nila ito sa crew. Maganda ang pagkakagawa ng mga pastries at may isang larawan ring nakakabit sa kahon kung saan kitang-kita na mahal na mahal ng dalawa ang isa’t isa.

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.