Kabanata 27 Masyadong Malisyoso
Nagulantang si Gideon sa diretsahang sagot ni Nell, subalit agad rin siyang napangiti.
“Pero may kondisyon ako.”
“Sabihin mo lang!”
“Una sa lahat, hindi mo pwedeng sabihin sa publiko ang relasyon natin hangga’t wala akong sinasabi. Pangalawa, huwag mo akong hawakan nang walang paalam!”
Nanlamig ang ngiti ni Gideon sa mukha. “May pangatlo pa ba?”
Nag-isip panandalian si Nell pero wala na rin siyang masabi, at umiling na lang. “Wala na.”
Matapos ang isang sandal, nagdagdag pa ito. “Pag-iisipan ko mamaya.”
Sinabi ni Gideon sa isang mababang boses. “Gusto mo palang maging monghe ako?”
Nagitla si Nell.
“Mrs. Leith, lalaki rin ako. Kung hindi ka papayag, ano na lang ang mangyayari sa natitirang kong buhay?”
Lumapit ang lalaki habang nagsasalita ito, at hindi magawang alisin ni Nell ang kanyang sarili.
“H-Hindi naman iyan ang sinasabi ko…”
Ang dahilan kung bakit binigay niya ang mga kondisyong ito ay dahil sa iniisip niyang hindi naman magtatagal ang kasal na ito.
Sobrang pag-iis

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.