Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 341 Buhaghag ng Buhangin

Tumango si Celine. “Lolo, kinasal na ako noon, at maraming nangyari nang panahon na iyon. Natatakot ako..” Bumagsak ang ekspresyon ni Old Master Garrett. “Nakaraan na ‘yun. Nangyari na ang nangyari, kaya huwag mo ng isipin. Bukas ang isipan ng Youngest Graham at hindi niya iyon inaalala, kaya’t hindi mo kailangang mag-alala.” Kinagat ni Celine ang kanyang labi at marahas na umiling. “Hindi, kasalanan ko iyon. Kung hindi mga maling tao ang nakilala ko at kung nalaman ko kaagad ang mayroon kina Dad at lola, magiging iba sana ang naging katapusan. Kahit na nakabalik na ako sa pamilya Garrett, alam kong isang mantsang hindi na matatanggal ang tingin ng lahat sa nakaraan ko. “Napahiya kita, lolo. Kaya’t bakit ko pa gagambalain ang ibang tao? Mabuti nga kung hindi ito inaalala ni Young Master Graham, pero hindi at masiyado siyang mabait. Mas dumami lang ang rason para hindi ko siya saktan at hayaang pahiyain siya ng iba na sasabihing pinakasalan niya ang anak ng isang mamamatay tao. H

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.