Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 404 Ang Katotohanan

Tumango si Nell. Nararamdaman niya ang magandang intensyon ng Old Master Garrett. Kahit ano pa man ang paraan ng pakikitungo nito sa kanya, nagbago naman ito matapos nilang malaman na siya pala ang tunay na anak ni Juliette. Subalit… Nandilim ang kanyang mga mata nang maalala niya ang kamatayan ng Old K. “Deon, kahit gaano pa kakomplikado ang pamilya Shelby, gusto ko pa ring subukan.” Alam ni Gideon ang iniisip ng babae. Inaasikaso ni Nell ang mga bagay na may kinalaman sa kanya, mahalaga man ito o hindi, at dahil alam ni Gideon ang kanyang nakaraan, alam rin nito kung ano ang gusto niyang gawin. Lumalalim ang mga mata ni Gideon at niyakap niya nang mahigpit ang babae. “Pwede mong gawin ang kahit anong gusto mong gawin. Huwag kang mag-alala. Andito ako.” Ngumiti si Nell. “Salamat.” Samantala, lalo pang lumalala ang kondisyon ng Old Master Garrett. Nagsimula ito sa gabing inanunsyo niya ang kanyang last will. Sumunod na araw, na-comatose ito. Sinabi ng doktor na karamihan

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.