Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 464 Pagpanaw ng Old Master

Tumango si Nell at napunta ang kanyang tingin sa ward. “Kumusta si lolo?” Naging malungkot agad ang ekspresyon ni Joseph nang marinig ito. Bumuntong hininga siya. “Kakaunti na lamang ang oras niya. Pumasok ka sa loob. Alalahanin mong maiksi lang ang dapat mong sabihin.” Tumango si Nell. Naglakad siya papunta sa ward habang naiwan namang nasa labas sina Gideon, Liam at ang iba pa. Alam nilang gustong makita ng old master si Nell nang mag-isa. Mas mabuting hindi na sila sumama. Bago pumasok, pinagsuot muna si Nell ng isang protective suit. Nakapikit ang mga mata ng Old Master Garrett na para bang naghihintay na lamang ng kamatayan. Siguro dahil sa mga narinig niyang yapak, kaya sinubukan niyang sumilip at lingunin ang taong paparating kahit hirap na hirap siyang kumilos. Napatigil si Nell doon. Sinabihan niya ang kanyang sarili na maging matatag pero agad siyang naluha nang makita ang nakahigang matanda. “Nel-Nelly.” Inabot ng matanda ang kanyang kamay. Tinikom ni Nell ang k

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.