Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 473 Hiling Sa New Year

Inisa-isa ni Gideon ang sitwasyon sa kanilang pamamahay sa Old Madam Quinton, kahit hindi nila isasapubliko ang maduduming gawain ng pamilya Wilburn, kailangan pa rin nilang malaman ang katotohanan. Matapos ang lahat, miyembro pa rin ng Wilburns ang nanay ni Gideon. Pumanaw man siya, hindi pa rin nawawala ang kanilang koneksyon sa dugo. Kahit magkagulo man kung sakali, hindi pa nila kailangang isipin ang magiging resulta. Matapos ibaba ang tawag, nabalik ang tingin ni Giden kay Nell. Muli niya itong hinalikan saka bumulong, “Kailangan ko lang lumabas ngayong tanghali. Magpahinga ka muna rito sa bahay at tawagan mo ako sakaling may kailangan ka, ayos lang ba?” Tumango si Nell. Napatigil siya saka nag-aalalang sinabi, “Mag-ingat ka.” Ngumiti si Gideon at nang hindi sumasagot, tumalikod na siya at umalis. Malapit nang gumabi nang makatanggap si Nell ng isang tawag. Nalaman niya sa tawag ang nangyari tungkol sa Wilburns — setup lamang ito at ang kanilang kakumpitensya ang may gawa.

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.