Kabanata 480 Makipagkita Sa Isang Kaibigan
Nagtanong si Gideon sa isang mababang boses, rinig ni Nell ang antok sa kanyang tono.
Tumango si Nell bilang kumpirmasyon. Ngayong gising na ang lalaki, hindi niya na kailangang mag-alala pa.
“Gusto ko lang ng maiinom.”
“Huwag ka nang gumalaw. Kukuha ako ng tubig para sa iyo.”
Tumalikod ang lalaki at saka tumayo para magbuhos ng maligamgam na tubig sa isang baso.
Tinanggap ni Nell ang basong inabot ng lalaki at saka sumipsip ng tubig.
Mamaya-maya, rinig sa buong kwarto ang ungol ng tiyan ni Nell.
Namula si Nell.
Napatigil si Gideon sa loob ng isang segundo saka siya ngumisi at napataas ang kilay. “Gutom ka ba?”
Lalo pang namula ang mga pisngi ni Nell. Sinubukan niyang magpalusot, pero hindi rin siya sigurado kung dapat pa ba siyang magsalita.
Sa huli, wala siyang magawa kundi napatango na lamang.
Hinaplos ni Gideon ang kanyang ulo at saka sinabing, “Magpakabait ka lang diyan. Magluluto ako ng makakain mo.”
Nagitla si Nell. “Magluluto ka?”
“May nakikita ka bang iba?”
Saka

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.