Kabanata 490 Babagsak Ang Gusali
Ang dahilan kung bakit hindi binanggit ni Nell si Gale Shelby bilang tagapagmana ay dahil kulang pa ang kanyang pagkakaunawa rito.
May iilang bagay na dapat niyang hayaang lumago. Baka mamaya masira niya pa ang lahat ng pagod ni Gale.
Matapos maipadala ang video, nagkagulo ang buong Bauhinia Clan, para bang nabuhusan ng tubig ang isang kaldero ng mainit na mantika.
Si Gale ang unang tumawag kay Nell. Kinakabahan at galit ang kanyang tono sa cellphone.
“Nelly, bakit mo ito ginawa? Alam mo ba ang ibig sabihin ng sinabi mo?”
Katatapos lamang maghapunan ni Nell at nakaupo siya sa hardin habang nagpapatunaw ng kinain.
Sa kunang nasa tabi niya, naririyan si Viemond habang sinipsip ang kanyang pacifier.
Samantala, abala naman si Gideon sa kanyang opisina. Alam ng mga kasambahay na ayaw ni Nell ng maingay kaya hindi na nila ito inabala pa at ginawa na lamang ang mga dapat nilang gawin.
Sumandal si Nell sa kanyang rattan na bangko at saka matamis na ngumiti. May dalang katamaran ang kan

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.