Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 496 Pakawalan si Lucy

Isa itong malaking mantsa sa imahe ni Jada—kilala siya bilang dalisay at inosente. Subalit, walang pakialam si Joel sa mga ganitong bagay. Hindi naman talaga siya mabait sa mga babaeng hindi mahalaga sa kanya. Kung hindi lang sana sumobra si Jada ngayon, baka palagpasin niya na lamang ito dahil masunurin naman ang babae. Subalit… Inisip ba ni Jada na pwedeng sampalin si Joel ng kahit sino lang? Kaya niyang tiisin kung si Lucy ito dahil mahal na mahal niya ang babae at ito lamang ang nag-iisa sa kanyang puso. Pero, sino ba si Jada sa kanya? Sa tingin niya ba makakatakas siya ngayong sinampal niya ang isang gay ani Joel? Halos mapahalakhak si Joel habang iniisip ito. Ngunit, lingid sa kanyang kaalaman, nanginig si Lucy nang marinig ang mga salita ng lalaki. Mukhang hindi lamang siya ang nag-iisang babae… Nandilim ang mga mata ni Lucy, pero wala siyang sinabi. Wala siyang lugar para makialam sa isyu nila, at higit sa lahat, hindi niya kayang makialam. Sa ngayon, tabla ang sitw

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.