Kabanata 588 May Tao Sa Apartment Ni Lucy
Ganoon din, hindi na ito masyadong inisip ni Joel.
Napatingin si Lucy sa oras.
“Malalim na ang gabi. Late na. Papasok na ako sa loob para makapagpahinga.”
Nag-aalangan is Joel na bitawan ang babae. Matapos ang lahat, kakapasya lamang nila na ayusin ang kanilang relasyon kaya ayaw niya pang humiwalay sa babae.
Subalit, alam niyang hindi nila dapat madaliin ang ganitong bagay, kung hindi, lalong magkakagulo ang lahat.
Sumunod, tumango siya at hinawakan ang kamay ng babae, “Ihahatid na kita.”
Sa pagkakataong ito, hindi tumnaggi si Lucy.
Sinundan ni Joel si Lucy hanggang sa harap ng kanyang bahay, pinanood niyang buksan ng babae ang pinto hanggang sa makapasok ito.
Ngumiti si Lucy nang panooring umalis ang lalaki, para bang malapit talaga ang kanilang loob sa isa’t isa.
Nang marating ng lalaki ang elevator, pumasok ito. Nagsara ang pinto at naglaho na si Jeol.
Ganoon din, nawala ang ngiti sa mukha ng babae.
Sinara ni Lucy ang pinto, tinakpan niya ang kanyang mukha, at saka umupo

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.