Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 61 May Kasamang Kondisyon

Hindi makapagsalita si Nell at tila ba natulala ito bago makabalik sa realidad. Hindi siya makapaniwala na bumigay siya sa kapusukan ng lalaking ito at nakipaghalikan siya. Napakadelikado ng sitwasyong nilang dalawa. Dahil naalarma, sinubukan niyang tumayo. Subalit, ang upuan ni Gideon ay malapit sa mesa. At sa biglang pagtayo niya, tumama ang kanyang baywang sa sulok ng mesa. Napasigaw si Nell sa sakit bago muling bumagsak. Makikitang nagbago and emosyon sa mukha ni Gideon. Sinalo niya ang babae at agad na hinawakan ang nasaktang bahagi. “Bakit hindi ka ba nag-iingat? Masakit ba? Patingin ako.” Ramdam ni Nell sa kanyang baywang ang malaking kamay ng lalaki. Isang manipis na tela lamang ang naghihiwalay sa kanilang balat. Ang init nito sa palad ay tila ba nagbibigay ng tensyon sa katawan ni Nell. Hinawakan niya paalis ang kamay ng lalaki, at saka umiling kahit sinusubukan nitong suriin kung may sugat ba siya. Kahit makikitang naluluha na siya sa sakit, nagngitngit pa rin ang

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.