Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 66 Humingi ng Tawad sa Kanya

“Anong sinabi mong ‘hindi maaari’? Bilisan mo at humingi ka na agad ng tawad kay Mr. Leith at Ms. Jennings!” Nakabalik na rin si Lily O’Hare sa kanyang kamalayan. Kahit ayaw niyang humingi ng tawad at kahit sagad sa buto ang kanyang galit kay Nell, alam niya sa kanyang sarili na hindi si Gideon Leith ang tipo ng taong pwede niyang kalabanin. Nag-aalangan man, sinabi niya pa ring, “Pasensya na po, Mr. Leith.” Napataas ang kilay ni Gideon. “Hindi ko ramdam ang katapatan sa sinasabi mo Ms. O’Hare.” Napakuyom ang mga kamao ni Lily. Napahiya na nga siya sa unang pagkikita nila ng maalamat na lalaking ito pero kailangan bang pati rin sa harap ni Nell. Halata ang matinding pag-aalangan at galit na namumuo sa kanyang puso, subalit napigil lamang ito ng malamig na tingin ni Gideon. Huminga siya ng malalim at muling sinabi, “Pasensya na po, Mr. Leith. Nagkamali ako.” “Kanino ka dapat humingi ng tawad?” “Mr…” Naunawaan na rin ni Lily at tumingin siya kay Nell habang kita na ayaw niyang

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.