Kabanata 736 Pareho Silang Nailigtas
Nang makita ito, hindi nag-alangan si Nell at agad niyang inaya si Nancy papunta sa mesa para kumain.
Gumanda ang ekspresyon ng lalaking kasama ni Gregory nang makita niyang mabilis na naintindihan ni Nell ang nangyayari.
Lalp pa siyang natuwa nang sagutin ni Nell ang ilang mga katanungan niya sa hapag.
Sumunod, tinitigan ni Nell si Gregory nang makahulugan.
Naunawaan ni Gregory ang ibig sabihin ni Nell pero hindi siya sumagot. Sa halip, nagpanggap siyang hindi niya ito nakita at lumingon siya papunta sa kabilang direksyon.
Nairita si Nell nang kaunti pero wala siyang magawa.
Nang matapos sila kumain, saka lamang siya nakahanap ng pagkakataon para makausap si Gregory.
Nakatayo ito sa tapat ng bintana habang naninigarilyo.
Nakasuot siya ng Mao suit na gula-gulanit ang dating. Subalit, habang nakatayo roon, para pa rin siyang isang prinsipe kung tititigan.
Napatitig si Nell saka napailing.
Naisip niyang nasisiraan na yata siya ng bait para isiping mukhang prinsipe si Gregory.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.