Kabanata 77 Hindi Maaari
Hindi makapagsalita si Celine.
May katahimikang bumalot sa ere nilang dalawa.
Ilang segundo ang makalipas, napahalakhak si Celine.
Inangat niya ang kanyang ulo para salubungin ang tingin ni Nell, saka malamig na sinabing, “Sa tingin mo ba, maloloko mo ako?”
Pinatunog ni Nell ang kanyang bibig gamit ang dila saka umiling. “Ayos lang naman kahit hindi ka maniwala sa akin.”
Masamang tumingin si Celine.
“Anong ibig sabihin ng lahat ng ito?”
“Wala naman. Maganda kung nakuha mo pero hindi naman mahalaga kung hindi. Gusto ko lang namang ipaalam na kahit nailagay mo ang buhay ko sad ulo ng bangin dati, iba na ngayon!”
“Delusyunal ka kung iniisip mong tanga ako. Alam kong gumawa kayo ni Lily ng isang patibong. Isang patibong para papuntahin ako rito at sirain ang pangalang binuo ko. Ngayon, tanga ba akong pupunta rito nang hindi handa?”
Nawalan ng kulay ang mukha ni Celine.
Hindi siya makapaniwala at napailing na lamang.
“Hindi iyan totoo! Kung may ebidensya ka talaga, bakit hindi m

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.