Kabanata 788 Pagbintangan
Ang tanging natitirang suspek ay si Vickie Thomas.
Iyan ang dahilan kung bakit hinanap ni Yuliana si Vickie para tanungin ito.
Subalit, mula sa kilos ni Vickie ngayon, mukhang wala siyang pakialam kahit suriin pa ni Yuliana ang kwarto niya. Baka hindi talaga si Vickie ang kumuha nito.
Tahimik na napaisip si Yuliana. Dahil naririto na siya, mas mabuting tignan niya na ang bawat sulok, “Sige, hahanapin ko na.”
Pinapasok niya rin ang kanyang tapagsilbi na si Ginny.
Hinalughog ng dalawang babae ang kwarto habang nakaupo si Vickie sa bangko na para bang walang pakialam.
Ganoon din, nagulantang si Andrea habang dala-dala ang tsaa na ihahain niya kay Vickie.
“Miss Thomas, ano, anong ginagawa nila?” Kinakabahan si Andrea.
Kalmado lamang si Vickie. “Andrea, huwag mo silang pigilan. Hayaan mo lang sila.”
Naiirita si Andrea, pero wala siyang sinabi.
Hindi naman malaki ang kwarto at kakaunti lang rin ang mga gamit ni Vickie. Simple lang rin ang palamuti ng silid.
Pagkatapos ng 20 minuto

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.