Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 818 Walang Paraan Para Tumanggi

Napatango ang lahat. “Oo nga naman.” “Sino ang makakapasok nang walang susi? Hindi naman pwedeng tumagos na lang sila!” “Sa madaling salita, imposibleng ang mga taga-kusina ang may sala.” Sambit ng isang tagapagsilbi na malinaw ang pag-iisip. “Hindi kaya may nagnakaw ng susi at ibinalik niya na lamang ito pagkatapos?” Umiling ang binatang namamahala. “Imposible iyan. Laging nasa kain ang susi kaya hindi ito pwedeng nakawin ng kahit sino.” Nalilito na ang lahat ngayon. Walang nagnakaw ng susi pero tampered ang CCTV footage. Gawa ba ito ng isang multo? Habang iniisip ito, namutla ang iba. Syempre hindi naman naniniwala si Vickie sa mga ganitong bagay. Habang kalmado at malamig ang mukha, tinignan niya ang lahat sa kanyang harap. Sa wakas, napunta ang kanyang tingin sa isang dalagang nakatayo sa sulok. Batang-bata pa ito, mga 16 o 17 anyos lang. Makatuwirang sabihin na hindi pa siya dapat magtrabaho sa ganitong lugar. Subalit, naalala ni Vickie na nag-uusap ang mga kasambah

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.