Kabanata 900 Benepisyo Sa Dalawa
Matagal na niyakap ni Gideon Leith si Nell Jennings sa kanyang bisig saka siya bumulong, “Ikaw talaga.”
Niyakap rin nang mahigpit ni Nell ang lalaki.
Dahil desidido na silang dalawa, hindi na nila pinatagal pa.
Dagdag pa roon, ayaw rin namang bigyan ng oras ni Gregory Graham ang kalaban.
Nang makapagpasya, sa sumunod na umaga, agad na umalis ang dalawa papunta sa City H.
Sa City H nakabase ang kampo ni Gregory.
Makikita ang lugar na ito sa intersection ng Golden Triangle at masasabing no-authority zone ito.
Iyan ang dahilan kung bakit naging teritoryo ito ni Gregory.
Dumating ang dalawa sa City H sa ganap na 3:00 ng hapon.
Tirik ang araw at mainit na mainit kaya nagpapawis ang dalawa.
Pagkababa nil sa eroplano, nakita nilang may iilang bodyguards ang sumalubong sa kanila.
Nang makita sina Gideon, agad na lumapit ang grupo.
“Maaari ba akong magtanong kung kayo si Mr. at Mrs. Leith?”
Tumango ang dalawa.
Agad na yumuko ang mga bodyguards bilang paggalang sa mga bisita.
Dahi

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.