Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 91 Nelly Ako Ito

Isa sa kanila na may hawak ng susi ang lumapit para buksan ang pinto. Click! Nagbukas ang kaninang saradong pinto. Sa pagkakataong bumukas ito, nakatalikod lamang ang mga kasama ni Gideon. Hindi nila kayang tignan ang posibleng senaryo na naganap sa loob ng kwartong iyon. Subalit, nakatayo lamang si Gideon doon habang hindi gumagalaw. Nang may mapansing mali, agad namang napalingon ang isa para tumingin. Sa sumunod na segundo, nanlaki ang kanyang mata sa gulat. Sa loob ng kwarto, apat na lalaking malalaki ang katatawan ang siyang nakahandusay sa sahig. Dumudugo ang kanilang mga ulo at ang isa sa kanila ay natanggalan ng daliri. Habang walang malay ang mga ito, may preskong dugo ang kumalat na naging dahilan para maging pula ang carpet. Nakahiga naman si Nell sa sopa habang hawak nito ang isang wasak na baso ng alak. Yakap nito ang kanyang mga tuhod at nakabaluktot ang katawan. Magulo ang kanyang buhok at puno ng sugat at pasa ang kanyang mga braso. May iilan ring tulo ng dugo

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.