Kabanata 929 May Ibang Intensyon
Subalit, walang pagbibiro sa mukha ni Gregory.
Napansin na rin ni Mr. Osborne na seryoso ang lalaki.
Bumigat ang kanyang loob.
“Ano na ang mangyayari ngayon?”
Mahinang nagsalita si Gregory. “Isa-isa muna nating sosolusyunan ang lahat.”
Naglakad siya papunta sa hagdan pagkatapos magsalita.
Sa ngayon, nakaupo si Vickie sa balkonahe habang nilalasap niya ang simoy ng hangin.
Sa totoo lang, hindi masyadong mainit ang panahon ngayon. Naiinitan lamang siguro si Vickie dahil naiirita, nag-aalala, at nalilito siya.
Pagka-upo niya, naramdaman niya ang daloy ng hangin at agad na bumuti ang kanyang pakiramdam.
Hindi niya napansing umakyat na pala si Gregory hanggang sa may bigat siyang naramdaman sa kanyang balikat. Nakabalik lamang si Vickie sa kanyang huwisyo nang maramdaman ito.
Nang lumingon si Vickie, napataas ang kanyang kilay.
“Umalis na silang lahat?”
“Mm.”
Umupo si Gregory sa harap ng babae. Sumunod, niyakap niya ito.
Nagpahinga lamang si Vickie sa bisig ng lalaki. Tinignan

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.