Kabanata 93 Isang Hindi Makatotohanang Gabi
Kahit para sa isang tao matindi ang pagpipigil, malapit na ring bumigay ang lalaki.
Maganda ang babaeng nasa bisig niya—maalindog at puno ng karisma, para bang isang pinong alak na dapat lasapin.
Huminga nang malalim si Gideon, at kinuyom niya ang kanyang bibig para pigilan ang panlalamutak ng babae.
Garalgal ang boses niya, para bang isang taling mapuputol na.
“Magpakabait ka na, ha?”
Habang puno ng pagnanasa ang mga mata, tumitig lamang si Nell sa kanya sabay tango na para bang nauunawaan niya ang sinasabi ng lalaki.
Inangat muli ni Gideon ang babae para dalhin ito sa kama.
Punit-punit na ang pantaas na damit ni Nell pero maayos pa rin naman ang pantalon nito.
Marahang inalis ni Gideon ang damit nito at sinuri ang mga sugat. Maayos naman ang kanyang kondisyon maliban na lamang sa kanyang braso at mga pasa sa iilang bahagi.
Bumuntong hininga ang lalaki. Natatakot siyang magkasakit ito kaya agad niyang itinakip ang kumot sa kanya.
“Diyan ka lang at hintayin mo ako.”
Ganoon d

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.