Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 946 Ibang Dahilan

Napatitig sila kay Nell nang ituro ito ng matanda. Nahiya nang bahagya si Nell kaya napa-ubo siya nang kaunti. Nagtanong siya, “Ibig sabihin totoo ngang nasa apo mo na si Flora ang Arcane Jade?” Biglaang bumagsak ang masayang mukha ni Uncle Brooks kanina. Bumuntong hininga siya. “Oo, nasa kanya, pero hindi ko naman binigay. Palihim niya itong dinala.” Natigilan si Nell at nagtaka siya. “Ano ang ibig mong sabihin sa sinabi mo?” Napangisi ang matanda. “Ano pa ba? Ano pa ba ang pwedeng iba nitong ibig sabihin? Ingrata lang talaga ang batang iyon. Pinalaki ko siya sa loob ng ilang taon at akala ko mananatili siya sa tabi ko. Hindi ko naman akalaing magtatanan sila ng isang lalaking nakilala niya. Binola-bola lamang siya nang kaunti at agad naman siyang sumama. Kumuha siya ng ilang mga kayamanan ng pamilya at nadala niya rin ang batong hinahanap niyo. Kung gusto niyo talaga ito, huwag niyo na akong abalahin pa. Hanapin niyo siya. Kapag nagawa niyo, sa inyo na ang Arcane Jade. Kung h

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.