Kabanata 959 Maghanap Ng Impormasyon
Tinignan ni Nell ang spareribs sa loob ng kanyang mangkok at napangiti siya.
“Hindi ka na galit sa akin?”
Namula si Lizzy sa hiya at napatitig naman si Gideon sa kanya.
“Sino ba ang nagsabing makinig ka sa mga ganoong tao?”
Siniko ni Nell ang lalaki para senyasan itong huwag takutin ang bata. Sumunod, kinagat ni Nell ang spareribs.
“Mmm, ang sarap naman ng spareribs na binigay ng Lizzy namin.”
Ngumiti nang malawak si Lizzy nang marinig ito.
Dinagdagan pa ni Lizzy ng mga putahe ang mangkok ni Nell. Dahil natuwa si Nell sa ginagawa ni Lizzy, kumain siya nang mas marami sa gabing iyon kaysa sa madalas niyang ginagawa.
Pagkatapos kumain, tinawagan ni Nell ang Old Madam para sabihing hindi na makikitira si Lizzy sa kanila.
Hindi niya sinabi ang buong kuwento dahil baka masyadong mag-alala ang dalawang matanda. Sinabi niya lang na ayaw ni Lizzy at ayos lang naman sa kanila. Kung hindi niya na kaya, kukuha pa sila ng dagdag na dalawang kasambahay para alagaan ang mga bata.
Nang mari

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.