Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 962 Makipagsosyo

“Oh, mga kaibigan pala kayo ni Mr. Donnelly. Kaya nagtataka ako bakit ang lalakas ng loob niyo.” Tumawa si Jean Leith saka niya tinitigan si Mr. Donnelly. “Alam mo pala ang nangyari kanina.” Hindi alam ni Mr. Donnelly kung ano ang kailangan ni Jean. Pinunasan niya lamang ang pawis sa kanyang noo saka siya ngumiti, “Alam ko, pero kaibigan ko sila. Hindi naman sinasadya ni Mr. Morrison na mabangga ka. Patawarin mo…” Bago pa siya matapos sa kanyang sasabihin, itinaas ni Jean ang kanyang kamay. Mamaya-maya, nilingon niya si Cathy Morrison at nilapitan niya ito. Tumayo rin si Sean Miller at hinarangan niya si Cathy. Nagsalita siya sa isang naiinis na tono, “Ano ang gusto mo?” Tinignan ni Jean ang lalaki at napataas ang kanyang kilay. “Wala kang kinalaman rito. Siya ang gusto kong kausapin.” Mula sa likod, hinatak ni Cathy ang manggas ni Sean. “Sean, ayos lang. Hayaan mo siyang magsalita.” Saka lamang umalis si Sean sa harap ni Cathy. Ganoon pa man, malamig pa rin ang kanyang muk

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.