Kabanata 370 Kapag Ginalaw Mo Ako, Itutumba Ka Niya
Naghawak kamay si Xylean at Ann habang tinitingnan ang mga lalaking nakapaligid sa kanila.
“Wag mo akong hawakan, Sean. Hindi ka ba natatakot na mabalatan nang buhay ni Yandel?!”
Mukhang walang kabuhay-buhay ang mukha ni Sean, tila nangingitim ang paligid ng mhga mata nito. Para rin wala ito sa wisyo na tila ba katatapos lang magdroga. Kadalasan, kapag naririnig nito ang pangalan ni Yandel, natatakot na ito na parang asong palaboy. Pero ngayon, tila nasabik pa ito.
Ang taong ito… nakadroga ba siya?
“Sige nga! Tawagin mo si Yandel! Lakasan mo para pumunta siya rito!”
Habang hinihila ni Sean si Xylean, sumigaw si Ann at sinabing, “Bastos, bitawan mo si Xylean!”
Subalit pinigilan si Ann ng mga nakapaligid sa kanila kaya hindi rin ito makagalaw. Tinitigan ni Xylean nang masama si Sean. “Sige, hindi na ako aalis. Pakawalan niyo lang ang kaibigan ko.”
Ngumiti si Sean, kinurot niya ang pisngi ni Xylean gamit ang mga daliri nitong amoy sigarilyo. “Anong tingin mo sa akin? Tanga?

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.