Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 646 Mas Mataas Ang Babaeng Asawa sa Lahat

Nang hawakan ni Serene ang kwintas, sumimangot siya bigla at sinabi, “Edi ibig sabihin non alam kung nasaan ako palagi?” Tinitigan ni Wilson ang kakaiba niyang kilos at alam na niya kung ano iniisip nito kaya sinabi niya, “Syempre. Kung hindi, para saan pa ang tracking device?” Bumulong si Serene, “Paano kung gusto ko maghanap ng mas batang lakaki?” “Anong sinasabi mo?” Hinawakan ni Wilson ang bewang ng babae bago magpatuloy, “Bakit maghahanap ka pa ng mas batang lakaki kung nandito naman ako?” Tinaas bigla ni Serene ang ulo niya at tinitigan ito habang natawa. Sabi niya, “…Nagbibiro lang ako.” Oo nga pala, may muntik na siyang makalimutan! Niyakap ni Serene ang leeg ni Wilson gamit ang maliliit niyang kamay at sinabi, “May sorpresa ako sayo, Wilson.” “Hm? Anong sorpresa?” Lumapit si Serene sa tainga ni Wilson at tinakpan tainga nito gamit ang maliit niyang kamay. Bumulong siya, “Pakiramdam ko buntis ulit ako.” … Ang sorpresa na yon ay sinundan ng maikling oras ng katahimikan at gulat.

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.