Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 73 Malamang ay Namamatay na

Sa loob ng president’s office... Hinawakan ni Kush ang kanyang ilong, nagdadalawang-isip na may sabihin, ngunit hindi niya mailabas. Tinitigan siya nang saglit ni Heaton. "Sabihin mo na." "Narinig ko na inutusan ni Director Xander si Ms. Mont na magdala ng mga dokumento sa 20th floor, pero lahat po ng elevator sa buong building ay under maintenance ngayon. Kinukuha ko ‘yung surveillance video para hanapin ‘yung mga empleyado na pinagtsismisan si Ms. Mont, pero, sa halip na ‘yun ang makita ko, nakita ko si Ms. Mont na naglalakad sa hagdanan na may isang mataas na tambak ng mabibigat na dokumento. Mukha nga po siyang may sakit eh. " Napahinto ang mga payat na daliri ni Heaton na may hawak na ballpen, ngunit medyo tumaas lang ang kilay niya. Hindi masyadong emosyonal ang kanyang mukha, at tila wala siyang lantarang pagpayag na tulungan si Verian. Simula kagabi pang nagmamatigas ang babaeng ito sa kanya. Kung maaari lang siyang maging malambot kay Heaton, hindi na niya kailanga pa sana

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.