Kabanata 77 Si President Fudd na naghihintay sa pag-uwi ng asawa niya
Habang si Verian Mont ay umaabante ng dalawang hakbang, ang puting Audi ay umandar din ng dalawang hakbang pasulong na para bang sinusundan ang kanyang bilis. Nang umatras si Verian ng dalawang hakbang, umandar din ang kotse ng dalawang hakbang pabalik. Napasimangot si Verian Mont at napatingin sa lalaking nasa sasakyan. Nakangiti siyang mabuti. "Mr. Quain, ‘di naman tayo close, ‘di ba? "
"Sinabi ko na sayo. Magkakaroon tayo ng pagkakataong magtulungan. "
Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buhay ni Verian Mont na makita ang isang lalaking walang kahihiyang ganito. "Sa pagkakaalala ko hindi naman ako pumayag na makipagtulungan sa iyo, tama ba?"
Sumagot si Yanni Quain na para bang may pinagiisipang ano man. "Kapag may isang tao na nakapasok sa Quain family at maisipang pagdiskitahan ka, mahihirapan kang harapin siya. Hindi mo naman gugustuhin na madali ka na lang mayurakan ng iyong mortal na kaaway, hindi ba? "
Sa isip ni Verian, hindi biro ang isang lalaking tulad ni Yanni Quain.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.