Kabanata 9 Daddy gusto kong isama pauwi si Monty
Huminga nang malalim si Verian at umupo sa tabi ni Little Jelly Bean. Tinignan niya ito at nagsalita siya, “Little Jelly Bean ang pangalan mo ‘di ba?”
Sumimangot ang little munchkin at masama ang tingin sa kanya. “Sinabi ba sa’yo ng principal ang pangalan ko?”
“Sobrang cute mo at ang cute ng pangalan mo. Bakit ba kayo nag-aaway ng ibang mga kids?”
Nag-krus ng braso si Little Jelly Bean. “Hmphh! Sabi nilang lahat liar daw ako! ‘Di nagsisinungaling si Jelly Bean! Kung ayaw nila makipaglaro sa’kin; ‘di rin ako makikipaglaro sa kanila!”
Tumingin sa gilid ang munting bata. ‘Di maiwasan ni Verian na matawa sa batang sinusubukang maging mapagmataas. “Naniniwala ako na ‘di nagsisinungaling si Little Jelly Bean pero ‘di rin kasi tama na manakit ng ibang tao, Jelly Bean.”
Nakatingala pa rin at nakasimangot ang cute na bata habang nananatiling tahimik. Nagpatuloy na magsalita si Verian nang malumanay, “Alam kong ‘di mo sila kakayaning lahat kung mag-isa ka lang. Next time, sabihin mo sa’kin

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.