Kabanata 1250
Parang naging pambihirang gamot ang kaniyang imahe at aura na kumuha sa atensyon ng mga taong nakakakita sa kaniya.
Agad na nawala ang nanlalamig na aura ni Luna nang makita niya ang matanda. Alam niya na si Adeptus Cirrus ang tao sa kaniyang harapan.
“Pagpasensyahan mo na sila. Ms. Crestfall.” Lakad palapit ni Adeptus Cirrus bago ito yumuko nang malalim sa kaniya para humingi ng tawad. “Kulang sa disiplina ang mga disipulong ito kaya nagawa ka nilang bastusin. Huwag mo sana itong seryosohin.”
Tuluyang nawala ang galit ni Luna sa mga sinabi ng matanda.
Pero bago pa man siya makapagsalita, agad na nagreklamo ang mga binugbog niyang mga disipulo, “Master, mula ang mangkukulam na ito sa Shrouded Gate. Inatake niya kami nang walang rason!”
“Oo nga po. Kaya bakit po kayo humihingi ng tawad sa kaniya, Master?”
“Isa po siyang mangkukulam, Master. Hindi po…”
Nakita ng mga disipulo ang pagdating ni Adeptus Cirrus at napagtanto nila na dumating na ang taong kakampi sa kanila kaya agad sil

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.