Kabanata 1669
“Habang nakikipaglaban ang Demon Lord, mauubos ang kanyang demonic energy. Dahil dun, mas magiging malakas ang espiritu ni Satanas na nasa loob ng kanyang katawan. Base sa nangyayare...”
Bakas sa itsura ng bata ang sobrang pagkatakot. “Ang espiritu ni Satanas ay nagising na at malamang nakuha na ang kontrol sa katawan ng Demon Lord.”
Biglang namutla si Luna sa mga narinig. “Paano nangyari iyon?”
Hiss—
Bago pa man makapagpaliwanag ang batang babae, isang malalakas na tunog ang umalingawngaw mula sa malayo.
Sabay silang tumingin sa direksyon kung saan ito nanggaling.
Nagising na ang mga natutulog na ancient demons, pero imbes na sugurin sila ay laking gulat nila nang mag away-away ang mga ito na para bang plano ng mga ito na talunin ang isa’t-isa.
“A-ano...” hindi makapaniwalang tanong ni Luna, “Ano ang ginagawa nila?”
“Sila ay...” Napalunok ang batang babae at mahinang sinabi, “Ni..nilalamon nila ang isa’t-isa. Base sa nakikita ko.. parang..parang sinusubukan nila

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.