Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.
Asawa ng LoboAsawa ng Lobo
에:: Webfic

Kabanata 1740

“Guardian Stone.” Naglakad paabante si Arthur nang nakayuko ang kanyiang ulo habang pinepresenta niya ang token gamit ang dalawa niyang mga kamay. Tumingin si Oliver sa token bago ito tumingin palayo habang mahina itong nagtatanong ng, “Nasaan si Brock?” Huminga nang malalim si Arthur bago nito sabihing, “Wala na po… si Brock.” Boom! Nang matapos sa pagsasalita si Arthur, isang napakalakas na enerhiya ang kumalat sa buong hall na para bang nagsama sama ang isang libong mga bituin na nasa dulo na ng kanilang mga buhay, o isang maliit na bangka na sumasalubong sa naglalakihang mga alon ng karagatan. Naramdaman niya na para siyang isang maliit na langgam na nakaharap sa napakalawak na mundo. Agad na nakaramdam si Arthur ng matinding desperasyon na para bang wala siyang importante at wala na siyang magagawang kahit na ano sa harap ni Oliver na nagpanginig sa buo niyang katawan na gumapang hanggang sa kaniyang puso. Siguradong dadanak ang dugo sa sandaling magalit ang isang mamamatay

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.