Kabanata 1941
Swoosh!
Pagkatapos ng isang sandali, tila naging kuko ng agila ang mga kuko ni Andrius na siyang tumusok sa ulo ng nakamaskarang lalaki.
Limang guhit naman ng true vitality ang mabilis na pumasok sa loob ng kaniyang isipan. Hinuli nito ang kaluluwa ng lalaki na parang isang napakalaking kulungan.
“I-Ikaw…”
Nanginig ang kaluluwa ng lalaki habang tinitingnan nito si Andrius gamit ang mga mata niyang puno ng takot.
Crack!
Crack, crack, crack...
Hinigpitan ng hindi nagsasalitang si Andrius ang pagkakakapit ng kaniyang mga daliri na para bang wawasakin na nito ang kaluluwa ng lalaki.
“Ahhhhh!”
Agad na nagpakawala ng nakabibinging sigaw ang nakamaskarang lalaki.
Magagawa niyang tiisin ang anumang sakit sa kaniyang katawan o sa kaniyang true vitality. Pero ibahin natin dito ang tindi ng sakit na kaniyang naramdaman sa kaniyang kaluluwa!
Hiniling na lang niyang patay na siya upang hindi na niya pagdusahan pa ang napakatinding sakit na ito!
“Ma-Magsasalita na ako! Pakiusap, tama na.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.