Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.
Asawa ng LoboAsawa ng Lobo
에:: Webfic

Kabanata 2037

Dito na nanlalamig na sumagot ang lider, “Kahit na misteryoso ang barrier na ito, wala pa rin itong kakayahan na ibalik nang buoa ng puwersang tumama rito. Kaya siguradong mawawasak natin ito sa sandaling malampasan natin ang capacity nito.” Nakaramdam ng matinding tensyon sa kaniyang dibdib si Aria nang marinig niya ang mga sinabi ni Blade. Walang duda na mayroon ngang mga butas ang kaniyang secret technique. Ito ang sinabi ng taong iyon. Mabilis itong masisira sa sandaling lumampas sa limit ng kaniyang barrier ang puwersang tatami rito. Dito na napatingin si Aria kay Andrius. Kasalukuyan nang nagsisimulang kumabit ang Heavenly Fiend Phoenix wing sa katawan ni Andrius na gumawa ng laman at dugo sa butas na pinagkabitan nito. Malapit na siyang matapos sa proseso kaya naramdaman niya na para bang nakikipagkarera sila sa oras. Dito na napadasal si Aria sa kaniyang sarili, ‘Umabot sana kami sa tamang oras.’ Kahit na noong natapos siya sa pagdadasal, hindi pa rin siya tumigil sa pa

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.