Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.
Asawa ng LoboAsawa ng Lobo
에:: Webfic

Kabanata 2046

Clang! Masyadong naging mabilis at mabagsik ang enerhiya ng tatlong mga espada ni Greywolf kaya gumawa ang bawat pagtama nito sa Linebreaker Overlord ng malalakas na pagsabog na tumagos sa tainga ng sinumang naroroon. Muling nagulat si Greywolf pagkalipas ng isang dosenang beses nilang pagsasagupaan. Inakala niya na mawawasak niya si Andrius nang walang kahirap hirap sa pamamagitan ng pagpapaangat ng kaniyang lakas sa huling bahagi ng Heavenly Immortal Stage at sa paggamit ng lakas ng Trifold Slash. Pero naging patas pa rin ang resulta ng kanilang laban. Kahit na ano pa ang gawin niyang pagatake o gaano pa katindi ang galit na kaniyang naramdaman, hindi niya matalo talo si Andrius. “Sino ka ba talaga?” Habang minamanipula ang enerhiya ng tatlo niyang mga espada, inobserbahan ni Greywolf si Andrius bago niya ito nanlalamig na sigawan. Hindi naman siya sinagot ni Andrius. Ngayong magkalaban silang dalawa, wala ng kahulungan ang mga salitang babanggitin nila sa isa’t isa. Sinalag ni

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.