Kabanata 2051
Tagumpay na tumawa rito si Wormtail. “Sino nga ba ang magaakala na tatanggi ka sa pagtahak ng daan papunta sa langit para sumugod sa impyerno? Kayong lahat, dakipin ninyo siya!”
Agad na pinaligiran ng tatlo si Aria mula sa iba’t iang direksyon upang hindi ito makatakas.
“Hmph… Tingnan natin kung hanggang saan ang ibubuga ninyo ngayong pinili ninyong hulihin ako!”
Suminghal si Aria habang ikinakaway ang kaniyang manggas na nagpakawala ng isang ulap ng hamog.
Mabilis na kumalat ang hamog sa kalangitan na nagpalabo at nagpagulo sa paligid. Hindi lang nito nagawang harangan ang paningin ng mga tao dahil nagawa rin nitong maharangan ang diwa ng mga immortal.
“Umalis na kayo!”
Ginamit ni Aria ang oportunidad na iyon para patakasin ang magkasintahan.
“Bwisit. Isa itong illusion fog!”
“Gamitin ninyo ang pamaypay para ilayo ito sa atin.”
“Dali! Hindi na natin magagawang mapatakas ang babaeng ito sa ikalawang pagkakataon.”
Dali daling naglabas ang tatlong mga Sentinel ng isang Immortal

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.