Kabanata 66
Seryoso si Conor sa video, hawak nito ang kanyang identification card sa harap ng kanyang dibdib habang detalyadong ipinaliwanag ang mga tsismis.
Ang mga mamamahayag ay parang mga ahas na naramdaman ang dugo habang sa isang kisap mata’y dumagsa ang mga ito patungo kay Solomon.
Sa loob lamang ng ilang segundo, tuluyang napalibutan si Solomon; naiwan namang mag-isa si Luna.
"Mr. Stormbrew!"
"Ano ang iyong komento sa akusasyon ni Connor Rogers?"
"Mr. Stormbrew!"
"Binantaan at binayaran mo ba, o sinulsulan, si Connor Rogers na babuyin ang New Moon Corporation?"
"Mr. Stormbrew!"
"Ang city council ay naglalayong tukuyin ang mga gang at seryoso sila dito. Ano ang iyong opinyon dito? Puwede mo bang ibahagi ang ilang komento?"
"Mr. Stormbrew!"
Trinato ng mga mamamahayag si Solomon nang pareho sa paraan ng pagtrato nila kay Luna kanina. Tila isang pagsabog ng mga walang kabuluhang katanungan ang walang humpay na bumaril sa kaniya.
Biglang naging target ng lahat si Solomon.

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.