Kabanata 26
Napayuko si Noelle, itinatago ang galit sa kanyang mga mata. Paos niyang sinabi, “Ito ba ang ibig mo sabihin na hindi na ako malukungkot?”
Pagod na sumagot si Frank, “Ginagawa ko ito para sa kapakanan mo! Hindi malaking bagay ang pagtatalo sa pamilya, kaya bakit hindi natin ito puwede ayusin ng payapa? Kailangan mo ba talaga maglayas para mapressure kami?”
Heto na naman. Muli na naman niyang sinabi na ang ginagawa niya ay “para sa kapakanan mo”. Kung totoo iyon, bakit siya inabandona sa nakaraan niyang buhay at masalimuot ang naging katapusan?
Habang malamig ang ekspresyon, nagpatuloy si Noelle sa paglalakad. Ang nagbibigay na lang ng lakas sa kanya ngayon ay ang college entrance exams.
Alam niya na hindi niya puwede bigyan ng problema si Cedric. Maaaring natapos ng maayos sa araw na iyon, pero magiging iba ang mga nangyayari kung seryoso si Frank.
Matapos makasakay sa sasakyan, nagtext si Noelle kay Cedric, “Pupunta muna ako sa tahanan ng pamilya Liddell. Kakausapin kita mamaya.”

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.