Kabanata 63
Patuloy na naglakad si Noelle, pero nakahabol si Frank sa kanya at sinabi, “Noelle, inimbestigahan ko na ang nangyari. Pagkakamali iyon ni Gordon, at naparito siya para humingi ng tawad sa iyo.”
Humakbang palapit si Gordon at sinabi, “Lumabo na ang mga mata ko sa nakalipas na mga taon, Ms. Liddell. Kaya hindi ko napansin na ang isang set ng stationery ay depektibo. Kasalanan ko itong lahat, kaya pakiusap huwag mo sisihin si Mr. Frank.”
Kahit si Xenia ay nagsalita, “Tumatanda na si Gordon, kaya hindi maiiwasan ang ganitong mga pagkakamali. Hayaan mo na lang ito, Noelle.”
Nanatiling nakatayo si Noelle sa puwesto niya, malamig at wala pa din pakielam ang ekspresyon niya. Hindi siya makapaniwala na sapat na ang simpleng paghingi ng tawad matapos ang ginawa nila.
Isang sasakyan ang tumigil sa tabi ng kalsada, at bumaba si Alfred mula doon, pinapagalitan sila sa kanilang puwesto. “Kalokohan! Gagamitin mo ba talaga ang pagtanda mo bilang palusot? Bakit nagkataon na nagkamali ang butler s

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.