Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 79

Kasama ng first-class service ng restaurant at metikulosong paghahanda ng pagkain, laging nagtitipon ang mga dignitaries, celebrities at mga mayayamang mga tao dito. Membership system ang ginagamit nila, kung saan mga miyembro lang ang maaaring makapasok. Malinaw na makikita dito ang pagkakaiba ng mayayaman at mga pangkaraniwang tao. Pamilyar si Ann dito dahil ilang beses na siyang naparito. Pagkatapos nila magbook ni Wyatt ng private room, umorder sila ng maraming putahe. “Ang gara naman dito,” sambit ni Wyatt habang nakaupo sa pribadong kuwarto na maraming magagarang dekorasyon. Kahit ang mga upuan ay may bahid ng ginto. “Ito pala ang dahilan kung bakit nag-aalinlangan si Sebastian, marahil malaki ang ginastos niya dito.” “Hehe! Atin na ang lugar na ito sa hinaharap, Boss,” sambit ni Ann, mas nakakaakit siya ngayon matapos magbihis ng ibang damit. Nagpatuloy siya, “Tatanungin kita ulit. Puwede ba ako kumain ng libre dito?” “Pero hindi mo kailangan ng libreng pagkain.” “Bakit?”

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.