Kabanata 98
Ipinaliwanag ni Ann, “Sa pamilyang tulad namin, ang mga kamag-anak namin sa extended branch families ay karaniwang hindi nabibigyan ng atensyon.
“Pero si Zenith, maabilidad siya. Malaki ang naitulong niya sa pamilya at haligi na ngayon ng pamilya.
“Hindi niya tunay na anak si Hazel, inampon siya. Pero mabuti ang turing niya sa kanya na tila tunay siyang anak.”
“Ang lolo mo ba o si Zenith ang naghanda ng grupo ng mga lalake?” tanong bigla ni Wyatt.
“Si Zenith. Anak niya si Hazel, at nag-aalala siya sa kung anong nangyai sa kanya. Kaya, naghanda siya ng mga expert para tulungan ako. Natural na hindi ako makatanggi,” sambit niya.
Habang nag-uusap sila, lumapit sila sa entrance ng villa at nakita ang grupo ni Derrick.
Si Derrick ay lalake na nasa tatlumpu ang edad, nakasuot ng itim na suit, at may pagkaaroganteng dating. Nakatayo siya habang nasa likod ang mga kamay niya na tila mapagmataas ang aura.
Sa tabi niya ay apat na lalakeng matipuno, matatangkad at nakakasindak ang presensi

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.