Kabanata 1983
Nang wala na ang tatlo, lumapit si Gerald sa payat na lalaki at tinulungan siyang tumayo.
“S-salamat sa pagligtas mo sa akin...! Ako, si Yale Zachrey, malaki ang utang na loob ko sayo!” sabi ng lalaki.
“Huwag mo itong alalahanin. Nakita ko lang na binubully ka habang dumadaan ako at hindi pwede na hindi ako tumulong! Kung sa tingin mo ay may utang na loob ka sa akin, bakit hindi mo na lang ako ilibre ng almusal?” nakangiting sinabi ni Gerald habang tinatapik ang likod ni Yale.
Nagulat ng sandali si Yale bago siya natauhan ng tuluyan at sinabi, "Sige ba! Ano palang pangalan mo kuya?”
"Tawagin mo na lang akong Gerald!"
"Okay! Kuya Gerald ang itatawag ko sayo! At saka... Parang hindi ka isang lokal... Saan ka ba galing, kuya Gerald...?" tanong ni Yale nang mapansin niya na hindi ordinaryong tao si Gerald. Naiiba ang itsura niya sa mga lokal dito at dagdag pa dito ang kanyang pambihirang lakas.
Tumawa ng sandali si Gerald bago siya sumagot, “Oo! Sabihin na nating traveller ako

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.