Kabanata 2040
Pagkatapos kumain, bumalik si Gerald sa kanyang kwarto para magpahinga habang si Master Ghost ay nanatili lamang sa sala.
Buong gabi na inisip ni Gerald ang tungkol sa Seadom Tribe at sumagi rin sa isip niya ang pangalang 'Will Crawford'. Hindi siya interesado sa batang inampon ng kanyang lolo at ayaw niya rin maging susunod na head ng pamilyang Crawford.
Gayunpaman, malinaw sa kanya na tinuring siya ni Will bilang isang kalaban.
Dahil dito ay napa-iling na lamang si Gerald at tumawa.
“Kuya Gerald, nasa Japan ka ba?” kasalukuyan niyang katawagan si Aiden.
“Ngayon lang din kami nakabalik. Hinatid mo na pauwi si Ms. Lindsay?" Huminga ng malalim si Gerald. Ayaw niyang ipasa ang negatibong emosyon ngayong nakabalik na si Aiden sa Weston.
“Hehe, buksan mo ang mga kurtina mo at tumingin ka sa ibaba, Kuya Gerald!” Tumawa si Aiden mula sa kabilang dulo.
“Kurtina?” sumimangot si Gerald at bumangon sa kama para buksan ang mga kurtina ng hotel room. Isang pamilyar na tao ang makikitang nak

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.