Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 172 Parang Hindi Magkakilala

"Anak ko?" umiling si Yvonne habang humihikbi. "Wala na ang anak ko." "Ano? Anong sabi mo?" Nanlaki ang mga mata ni Lynette, hindi siya makapaniwala sa narinig niya, "Nawala ang bata?" "Oo." "P...Paanong nangyari 'yon?" kinakabahang tanong ni Lynette habang pinagmamasdan ang sinapupunan ni Yvonne. Tumingala si Yvonne at pinigilan ang kanyang mga luha. "Nalaglag ang bata noong na-aksidente ako." "’Yon ba ang rason kung bakit mukha kang depressed?" "Isa 'yun sa rason," malungkot na sagot ni Yvonne Totoong isa lang yon sa mga rason. Ang isa pang dahilan ay dahil pangalawang beses nang sapilitang kinuha ang kanyang bone marrow, kaya lalong naging masama ang lagay ng kanyang katawan at mabilis siyang nawalan ng timbang. Makikita na din na lumalala ang kondisyon ng kanyang buhok dahil sa mabilis na pagkalagas nito. Kung mag-tutuloy ito, hindi malayong makalbo siya. "Sinisisi ka ba ng asawa mo sa pagkawala ng anak niyo?" nag-aalalang tanong ni Lynette.

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.