Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 179 Pagiisipan Ng Matanda

“Grandpa...” Namula ang mga mata ni Yvonne kasabay ng pagsisimula niyang magsalita. Agad naman naman na lumapit ang matanda nang makitang umiiyak si Yvonne. “Anong nangyari sa’yo, bakit bigla kang umiiyak? May mali ba kong nasabi?” “Hindi po, ano kasi... kasi...” “Ano ‘yon? Sabihin mo na, ‘wag mo na akong bitinin!” balisang sabi ng matanda habang natatarantang tinuktok ang kanyang tungkod sa sahig. Habang tumatagal ay mas lalong nababalisa ang matanda dahil sa pag-iyak ni Yvonne. Pinunasan ni Yvonne ang kanyang ilong at sinabing, “Pasensya na po kayo sa akin, dapat pinigil ko na lang ang luha ko.” “Ayos lang, ano ba ‘yung sasabihin mo,” sabi ng matanda habang sinesenyasan si Yvonne na magsalita. Tumango si Yvonne, pinunasan ang mga luha at huminga nang malalim para humugot ng lakas ng loob. Bigla siyang lumuhod sa harap ng matanda. Parehong nagulat ang matanda at si Frederick na nakatayo sa likod nito. “Anong ibig sabihin nito, iha?” Agad na sinubukang patayuin ng

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.