Kabanata 21 Bone Marrow
Ibinaba ni Henry ang kanyang briefcase at nagpunta siya sa kusina. Pagpasok niya sa kusina ay natigilan siya nang makita ang tao na naroon.
Si Yvonne pala ang nagluluto!
Nakasuot si Yvone ng apron at abala itong naghahanda ng mga iluluto sa tabi ng kalan. Maririnig ang ingay mula sa sangkalan habang naghihiwa siya.
Bahagya itong nakayuko kaya matatanaw ang payat na batok nito. Tila kasabay nagliliwanag ang maputlang balat nito at ang ilaw.
Napatitig si Henry na tila mayroong bumaran sa kanyang lalamunan.
Pangatlong beses nang naging ganito ang reaksyon niya sa babaeng ito!
Sa hindi malaman na dahilan, naiiritang niluwagan ni Henry ang kanyang kurbata at tinawag ang babae gamit ang kanyang malalim na boses. “Yvonne Frey.”
Nagulat si Yvonne sa biglaang pagtawag sa kanya kaya muntik na niyang mahiwa ang kanyang daliri.
Subalit hindi na niya ito ininda at gulat na lumingon. “Nakabalik ka na pala!”
Inakala niya na hindi na babalik si Henry!
Seryoso lang na tumango si Hen

링크를 복사하려면 클릭하세요
더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.
카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.