Webfic
더 많은 컨텐츠를 읽으려면 웹픽 앱을 여세요.

Kabanata 26 Suot Ang Ilang Daang Libo

Hindi pinansin ni Henry ang tanong ni Yvonne at nakapamulsa lang na naglakad palayo. Ngumuso si Yvonne at yumuko na lang na sumunod sa lalaki. “Yo, nakabalik na ang magiting na mandirigmang niligtas ang kanyang prinsesa!” Ibinaba ni Shane ang kanyang cellphone at inasar si Henry nang makitang bumalik ito kasama si Yvonne. Nagpunta sa sofa si Henry at naupo nang hindi tinitingnan si Shane. Hindi naman natinag si Shane sa hindi pagpansin sa kanya ni Henry. Ngumiti ito at kinawayan si Yvonne. “Nagkita na naman tayo, sis-in-law!” Bahagyang tumango si Yvonne sa kanya. “Hello.” “Anong nangyari sa’yo?” Tanong ni Shane kahit kitang-kita naman nito ang kalagayan niya. “Ah…” Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito dahil bahagya siyang nahihiya sa nangyari. Hindi naman niya pwedeng basta na lang ikwento sa ibang tao na pinagtulungan siya. Nakakahiya masyado. Tinuro ni Henry ang pinto at sinabihan si Shane, “Labas na!” “Sige na, aalis na ko. Maiwan ko na kayong mga lovebir

링크를 복사하려면 클릭하세요

더 많은 재미있는 컨텐츠를 보려면 웹픽을 다운받으세요.

카메라로 스캔하거나 링크를 복사하여 모바일 브라우저에서 여세요.

© Webfic, 판권 소유

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.